WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Mimiyuuuh, SB19 Stell amoy loveteam

NI: Alwin Ignacio

Siyempre hindi siya kilala bilang si Jeremy Sansebuche pero pag isinulat mo ang Mimiyuuuh, agad-agad ang sigaw ng bayan, siya ang bukod tanging diwatang pinagpala sa lahat.

Sa bagong patalastas kasi para sa isang soft drink brand, si Mimiyuuh ang bukod tanging pink fairy na kasama sa cast at ang kasama niya lang naman ay sina Daniel Padilla, ang SB19 at ang kanyang kakabugan sa kagandahan at kakikayan, eh si Jayda Avanzado.

May mga shipper na nga sina Mimiyuuuh at si Stell Ajero ng SB19 kasi nga not once, but twice na, sa patalastas eh parang luma-love team ang ginagampanan nilang dalawa.

Ano na kaya ang masasabi ni Benedict Cuam na dating collaborator ni Mimiyuuuh ngayong sikat na sikat na ang kanyang kapareha? Tila in terms of endorsement, eh mas maraming brands ang nagtitiwala rito?

Hindi ba’t kamakailan eh naging isa siya sa cover siren ng isang online magazine kasama pa ang istariray na si Awra Briguela at hard-drink calendar diwata Sassa Gurl?

Ang gustong malaman ng lahat, eh kung sino na nga ba ang jowa nitong si Mimiyuuuh. Puro kasi collaborations, pictorials at kung ano-ano pa ang nababalita tungkol sa balingkinitang maricon.

Super private si Mimiyuuh sa matters about her romance at ni hindi nga alam kung sino ang showbiz crushes nito.

Hindi pwedeng isnabin ang YT channel digits ni Mimiyuuuh dahil may 4.34 subscribers ito at nadagdagan everyday ang bilang, kasi nga good vibes at laugh trip ang kanyang mga payanig,

Kaya kay Jeremy o kay Mimiyuuuh, mabuhay ka, mahusay ka. Tunay na diwatang pinagpala sa lahat, huh!