WebClick Tracer

METRO

Mister tigok sa tarak ni kumander

Todas ang isang scrap collector matapos undayan ng saksak sa dibdib ng kanyang misis nang magtalo ang mga ito kamakalawa sa San Andres Bukid, Maynila.

Idineklarang patay sa Sta Ana Hospital si Emilio Paras Y Bautista, 48, ng Brgy 775 San Andres Bukid, Maynila. Arestado naman ang kinakasama nitong si Lilian Paberecio, 37-anyos.

Sa imbestigasyon ni PCpl Christian Joseph Pineda, ng Manila Police District-homicide section naganap ang insidente alas-7:30 ng gabi sa bahay ng mag-live in.

Ayon kay Emily Hismaña Y Paras, 46, biyuda at kapatid ng biktima, bago ang krimen ay narinig niya ang pagtatalo ng kuya niya at kinakasama nito.

Agad itong nagtungo sa kuwarto ng dalawa at nakita umano nito nang saksakin sa dibdib ang kanyang kuya.

Agad na isinugod sa Sta. Ana Hospital ang biktima pero alas-8:24 ng gabi ay ideklara itong patay.

Itinurn-over naman sa pulisya ang suspek para sa kasong homicide. (Juliet de Loza-Cudia)