WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Retired dean todas sa tinedyer na apo

Kahindik-hindik ang sinapit ng isang retiradong dean sa kolehiyo nang patayin umano ito ng sariling apo at itago ang labi nito sa compartment ng SUV ng biktima sa San Leonardo, Nueva Ecija kamakailan.

Batay sa ulat ni PMajor Jaime Ferrer, nakilala ang biktima na si Virgina de Ocampo del Rosario, 68, residente ng Brgy. Castellano, San Leonardo, Nueva Ecija.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Reagan Barlis, kasamang namumuhay ng biktima ang 16-anyos na salarin na umamin noong Agosto 14 ng hapon sa nagawang krimen.

Inamin umano nito ang krimen sa tiyuhin na si Rommel del Rosario Puno, na agad dumulog sa pulisya makaraang maamoy ang umaalingasaw na bangkay sa trunk ng SUV.

Lumitaw na nagtalo ang retired dean at ang salarin dahil umano sa pagtutol ng biktima sa pakikipagrelasyon ng apo sa isang menor de edad.

Inamin ng salarin na pinagsasaksak nito ang lola noong Hulyo 20 at isinilid ang bangkay sa compartment ng SUV ng biktima na may plakang RDV 596. (Jojo De Guzman)