WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Sharon walang pahinga ang puso sa sakit

Nananalangin ang mga fan ni Sharon Cuneta na nawa’y maging matatag ang kanilang idolo sa sunod-sunod na unos na dumarating sa buhay nito.

Hindi pa man kasi nakaka-recover si Megastar sa pagpanaw ng kaibigang si Cherie Gil, may bago na namang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay.

Dalawang magkasunod na healing prayers ang ipinost ni Megastar kahapon sa kanyang Instagram page. Ang una ay para sa isa niyang kaibigang mahal na mahal din niya na kasalukuyang nasa ICU (intensive care unit).

“Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke,’” ang malungkot na balita ni Shawie sa kanyang followers.

Kasunod nito ay humingi siya ng dasal para sa paggaling ng kaibigan.

“Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…
“Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray,” pahayag ni Shawie.

Inamin din ni Megastar na medyo humihina na ang kanyang faith na ayaw niya raw sanang mangyari.

“My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit,” aniya.

Humiling din siya sa mga follower na ipagdasal siya gayundin ang kanyang kaibigan.

“Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves.🙏🏻🙏🏻🙏🏻,” pagtatapos ni Sharon.

Pangalawang healing prayer na ipinost ni Megastar ay para sa kanyang pamangking babae na si Bam na aniya ay may cancer.
“For my niece, “Bam,” I ask for all your prayers too…She is only 25…and I do not understand why she has cancer…She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too…Maraming salamat po,” pahayag ni Mega.

Sa comment section ay sunod-sunod din naman ang mga pag-aalay ng dasal ng kanyang fans and friends para sa kaibigan at pamangkin niya. Makikita rin sa mga komento na labis na nag-aalala sa kanya ang mga ito’t dasal nila’y magiging matatag si Mega sa mga pagsubok na ito.