WebClick Tracer

NEWS

Taas-presyo sa mga sitsirya ibinabala

Nagbabala ang isang opisyal ng mga gumagawa ng sitsirya na magtataas na rin sila ng presyo dahil sa mataas na halaga ng asukal sa bansa.

Kasabay nito, sinuportahan ng grupo ang pag-aangkat ng asukal dahil may kakulangan talaga umano sa suplay nito.

“Import talaga, there is really a shortfall, how do you explain ang ganyan kataas kung `di shortfall `yan, ano `yan? We need prices to stabilize para din sa COVID recovery,” sinabi ni Kissinger Sy, pinuno ng Philippine Confectionary, Biscuit, Snacks Association.

Sinasabing pumapalo na sa P100 ang kada kilo ng refined sugar sa ilang pamilihan.

Paliwanag ni Sy, apektado nito ang mga manggagawa ng manufacturers ng sitsiryang maraming asukal.

Dagdag ni Sy, ang mga maituturing na small player ay kinakapos na ng pambili ng asukal dahil sa taas ng presyo nito. Hindi aniya malayo na magsara na lang ang mga ito kasi kulang o wala nang pambili.

Tiyak na apektado aniya ang mga trabahador kapag nangyari ito.

umano diyan ay ang mga trabahador.(Kiko Cueto)