WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

DonBelle totohanan ang relasyon

Poster pa lang ang inilalabas para sa “An Inconvenient Love”. Ito ang bagong pelikula nina Donnie Pangilinan at Belle Mariano, nangininig na ang kalamnan ng kanilang sangrekwang fans.Titiyakin nilang puputok sa takilya ang panibagong romantic offering na ito mula sa DonBelle na si Petersen Vargas lang naman ang nag-direk.

Hindi puwedeng i-the WHO si direk Vargas dahil may mga pelikula na siya tulad ng “2 Cool 2 Be 4gotten” at “Hello Stranger”.Both the movie at digital series na kuhang-kuha ang angst, color, flavor, temperament ng mga you only live once millennials. Hindi ba naman?

At lahat ng mga pelikula ni direk Petersen, may mga artista talagang tumataktak ang brillo at galing tulad ni Khalil Ramos sa “2 Cool” at ang XavMi, sina Tony Labrusca at JC Alcantara sa BL hit movie at series nilang “Hello Stranger”.

Ngayong siya na ang magdidirehe sa pinakasikat na love team para sa mga Gen Z, ano kaya bago ang ipapakita nina Pangilinan at Mariano pagdating sa aktingan?

Sa mag-jowa chemistry, hindi na itinatanong pa ‘yun .Buo ang pananalig ng batalyong DonBelle na hindi lang sila for reel, totohanan na ang kanilang relasyon.

Ang question of national importance, kasama rin kaya si Jeremiah Lisbo sa movie? Alam nating lahat pag andiyan si Jeremiah, mas nagiging maigting at kapana-panabik lalo ang lambingang DonBelle. Kitang-kita naman natin sa “He’s Into Her” kung ano ang nagagawa ni Lisbo sa tambalan, hindi ba naman?

Ano nga kaya ang “inconvenient” sa bagong paputok na ito nina Donnie at Belle ? Ay, kaabang-abang talaga ang sagot diyan na malalaman natin sa pinakamalapit na hinaharap.