WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Kim ,Xian trending sa yakapan

Ni: Vinia Vivar

Nasa Pilipinas na nga si Kim Chiu mula sa almost one month na US concert tour with Star Magic Artists. At siyempre, nagkita na agad sila ng boyfriend na si Xian Lim.

Ipinost ni Kim sa kanyang Instagram ang pagkikita nila ni Xian kung saan ay mahigpit silang nagyakapan na halatang na-miss ang isa’t isa.

Sa video ay makikita rin ang collection ng clips ni Kim sa US kung saan ay niyayakap niya ang kanyang sarili sa iba’t ibang lugar, tanda marahil na miss na miss na niya ang BF.

Sa pinaka-ending ng video ay makikita na may kayakap na siya na siyempre ay walang iba kundi si Xian.

Sa caption ng aktres, sinabi niyang finally ay kompleto na raw siya.

“Finally!!! complete again after almost a month! huggsss!!!!” caption ni Kim.

Mukhang na-touch naman si Xian sa video ni Kim at komento niya, “awwwwwww❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ hahahahah.”

Siyempre, kinilig ang kanilang fans at maya-maya lang ay nag-trending na agad sina Kim at Xian sa Twitter.
“LDR no more! Yey. Together again!” komento ng isang KimXi fan.

“Yes!!! Together again,” sey naman ng isa pa.

Inirepost din ni Xian ang cute video na ginawa ni Kim pati na ang screenshot ng pagte-trending nila sa “yakap na mahigpit.”