WebClick Tracer

NEWS

Mister binidyo suicide sa bubong

Nagawa pang kuhanan ng video sa cellphone ng isang lalaki ang kanyang sarili sa ginawa nitong pagpapakamatay sa loob ng kanilang tahanan sa Rosario, La Union, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Hindi na pinangalanan ang lalaki na 31 taong gulang at nagtatrabaho bilang construction worker.

Ayon sa report ng pulisya, nakita ng isang kapitbahay na nakabitin na ang biktima gamit ang nylon cord na itinali sa bubong ng bahay.

Agad na kinalas mula sa pagkakabitin ang biktima saka isinugod sa Rosario District Hospital ngunit patay na nang dumating sa pagamutan.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, nakita nila ang cellphone video ng biktima kung paano nito ibinitin ang kanyang sarili.

Napag-alaman na hiniwalayan ang biktima ng kanyang asawa kasama ang dalawa nilang anak at nagtungo ang mga ito sa Visayas. (Allan Bergonia)