WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Vice asar-talo sa hiwalayan kay Ion

Ni: Archie Liao

Sa kauna-unahang pagkakataon ay binasag na ni Vice Ganda ang katahimikan . Ito’y sa alingasngas na nagkakalabuan na sila ng asawang si Ion Perez.

Inintriga ang relasyon nila ng mga taong nagkakalat ng balitang hiwalay na sila na aniyaý gusto lamang sirain ang kanilang kaligayahan at pagsasama ng kanyang partner.

Aniya, hindi raw totoong on the brink of separation ang kanilang relasyon ni Ion dahil masayang-masaya sila.

Katunayan, na-miss daw nila ang isa’t-isa dahil pareho silang nagbakasyon sa malayo.

Si Ion daw ay kasama ang kanyang pamilya sa Japan samantalang siya raw naman ay nagkaroon ng short getaway sa Bohol kasama ang ilang mga kaibigan.

Aniya, kailangan daw ito para hindi naman sila masakal sa isa’t-isa.

Nagyakap din at nag-PDA sila para ipakitang walang namamagitang tensyon sa kanilang dalawa.

Nagbigay pa siya ng kanyang mensahe sa mga Marites at tinawag na demonyo ang mga nagkakalat diumano ng fake news tungkol sa kanila ni Ion.

“Masaya kami, ‘wag kayong gumawa ng mga tsismosa kayo. Hiwalay na daw kami ni Ion?”, aniya.

“’Tong mga damonyong ‘to. Hoy mga damonyo! Pero masaya kami rito, masaya kaming pamilya, masaya kaming magdyo-jowa. Kaya ‘wag kayong anong mga damonyo kayo,”dugtong niya.

May kibitzers namang bumabatikos sa pagiging pikon ni Vice.

Kung nagawa raw nitong ipangalandakan ang kanyang lovelife sa show pati na ang kanilang kasal sa Las Vegas ni Ion, dapat daw ay handa rin ito sa mga batikos.

Sa pagpalag daw ng komedyante, lumalabas na apektado ito sa di mamatay-matay na isyung hiwalay na sila ng dating Mr. Escort.