WebClick Tracer

NEWS

9 kada araw todas sa COVID, karamihan `di bakunado

Kinumpirma kahapon ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tumataas ang bilang ng mga indibiduwal na namamatay dahil sa COVID-19 at karamihan sa kanila hindi pa bakunado.

“There’s this increase in

the number of deaths over these past months,” sabi ni Vergeire sa isang press briefing.

Ayon kay Vergeire, nag-average sa isa ang nasasawi kada araw noong Hunyo subalit tumaas ang bilang nitong Hulyo at kalagitnaan ng Agosto.

“For July, we have averaged 8 deaths per day. Sa mid-August, ganun din ang nakikita natin. Nine deaths per day naman,” ani Vergeire.

Karamihan aniya sa namatay noong Hulyo at ngayong Agosto ay mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

“Upon analyzing our data, noong tiningnan natin from July 1 to August 14… we found that 63 percent of these deaths were those who were not vaccinated,” dagdag ni Vergeire.

Samantala, hanggang nitong Biyernes, Agosto 19, nasa 61,221 na ang nasawi o 1.61 percent ng kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus na 3,802,103, batay sa DOH COVID-19 tracker.

Nasa 36,115 naman ang aktibong kaso at 3,747,372 ang gumaling sa virus. (Juliet de Loza-Cudia)