WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Aktres ayaw tantanan sa ‘buntis’ isyu

Ni: Beth Galena

May posted photo si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram at Facebook account. Ito’y mga larawan ng thanksgiving party ng “FPJ’s Ang Probinsyano’ para sa buong cast.

Sa kanilang group picture, maraming netizen ang nakapansin na tinatakpan ni Julia Montes ang kanyang tummy.

Iba’t ibang opinyon ang naglabasan na komento sa social media.

May espekulasyong buntis daw ang aktres dahil lahat daw ng kuha nitong larawan ay laging tinatakpan ang tiyan.

Maging ang black color na suot ng aktres ay pinuna rin ng mga netizen.

Kesyo nakakadaya raw tingnan kapag black color ang suot.

Tulad na lang daw nang mag-bonding silang tatlo nina Kathryn Bernardo at Dimples Romana kung saan laging half body lang ang naka-post na larawan sa IG ni Dimples.

Heto ang ibang komento ng netizens ..

“Bakit nga ba nila tinatago kung totoo man?”

“Well hindi siya buntis..sadyang matabain lng talaga si Julia”

“Di ko gets drama ng 2 to. Mukhang wala naman against them so bakit hindi pa sabihin na official sila, married, parents or 2nd time parents? Para matapos na ‘yung discussion. I’m sure naman if they ask for privacy irerespeto naman yun ng fans nila pati reporters since Coco is A-list naman na.”