WebClick Tracer

NEWS

BPI staff sabit sa $2B Wirecard scandal

Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang isang empleyado ng Bank of the Philippine Islands (BPI) kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nito sa $2.1-billion Wirecard scandal.

Sa inilabas na pahayag kahapon ng DOJ, ang BPI assistant manager na si Joey Dela Cruz Arellano ay nakaladkad sa pagpalsipika ng bank certificates.

Sinasabing si Arellano ay nahaharap sa “four counts ‘ ng pagpalsipika ng apat na bank certificates at dalawang counts ng paglabag sa Section 55.1(a) in relation to Section 56.1 of Republic Act No. 8971 (The General Banking Act of 2010) in relation to Section 36 of RA 7653 as amended by RA 11221 (New Central Bank Act.)”

Samantala, dinismis naman ng DOJ ang kaso laban kina dating Transportation Assistant Secretary Mark Kristopher G. Tolentino, Judith Singayan Pe, at dating Wirecard executive Jan Marsalek dahil sa kawalan umano ng sapat na ebidensya.

Nakaladkad ang Pilipinas sa eskandalo matapos igiit ng Germany digital technology Wirecard AG na ang $2.1B cash nito ay ipinasok sa dalawang bangko kabilang ang BPI at BDO.

Sumabog ang eskandalo matapos na iprisinta ng Wirecard auditor ang bank certificates sa BDO Unibank at BPI na sinasabing peke.

Nanindigan ang dalawang bangko na ang kompanya ay hindi nila kliyente. (Juliet de Loza-Cudia)