WebClick Tracer

SPORTS

Bringas, Bataan babalikwas

Kambal na semplang ang inabot ng Bataan, kaya atat sina Arvie Bringas at James Darwin Castro na muling itayo ang dangal kontra Muntinlupa sa Xtreme OkBet 4th Maharlika Pilipinas Basketball League regular season game ngayong Biyernes sa kanilang balwarte sa Orion Sports Center.

Alas-9:00 ng gabi ang bangasan ng nasa terserang North Division Risers (7-4) at dehins pinalad sa nakaraang limang sabak, nasa pangsiyam sa South Division na Cagers (2-6).

Magtutuos naman sa alas-7:00 ng gabi ang Manila (6-7)-Bacoor (4-6), samantalang sa alas-5:00 ng hapon ang Rizal (7-4)-Bacolod (7-5) sa single round elims ng 22-team men’s hoopfest. (Annie Abad)