WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Curry, Warriors iinggitin Lakers

Nilabas na ng Narional Basketball Association ang complete schedule para sa 2022-23 o 77th season na sisiklab sa Oktubre 18 (Okt. 19 sa Maynila).

Sa opening night, dadayuhin ng 76ers ang Celtics sa Boston, tatawid si LeBron James at ang Lakers sa Bay Area para hamunin si Stephen Curry at Warriors.

Iinggitin lang si LeBron sa Chase Center dahil bago ang laro ay tatanggapin muna ng Warriors ang kanilang championship rings.

Iho-host ng Philadelphia ang Milwaukee sa Oct. 20, basagan ang Lakers at Clippers. Kinabukasan ay bisita ng Heat ang Celtics, babanggain ng Nuggets ang Golden State sa San Francisco.

Sa Pebrero 17-19 ang All-Stars sa Salt Lake City, Abril 11-14 ang play-in tournament. Umpisa ng playoffs sa Abr. 15, siklab ang Game 1 ng Finals sa Hunyo 1.

Limang laro ang nakalinya sa Christmas Day – uumpisahan ng 76ers sa New York kontra Knicks. Lulusob sa Dallas ang Lakers, bibisita sa Boston ang Bucks, Christmas Day debut ng Grizzlies kontra Warriors, home game ng Nuggets laban sa Suns. (Vladi Eduarte)