WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Lolong sakalam sa kalaban

NI: ROLDAN CASTRO

Lalo pang gumaganda ang kuwento ng Lolong kaya naman parami pa nang parami ang tumututok dito gabi-gabi. Nitong Lunes nga ay talaga namang humataw sa ratings ang seryeng pinagbibidahan ni Ruru Madrid kahit na may bago pa itong katapat!

Umabot sa 17.3 percent ang combined NUTAM people rating ng Lolong noong Lunes (August 15) base sa overnight data ng Nielsen Phils. TAM.

At marami pang kaabang-abang na mga eksenang dapat tutukan gabi-gabi sa Lolong lalo pa’t magpaparamdam na ang mga Atubaw laban sa pang-aapi ng mga Banson!

Nandiyan naang mga bagong karakter na ipakikilala sa Lolong sa bagong yugto nito: sina Vin Abrenica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell, at Lucho Ayala.

Ano-ano kaya ang gagampanan nila sa buhay ni Lolong? Siyempre pa, mas marami ring dapat abangan sa karakter nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Paul Salas.

Ngayon ngang balik-Pinas na si Ruru, expect na mas marami pang paandar ang programa. Nitong weekend ay nagtungo sa Cebu ang Kapuso aktor kasama ang leading lady na si Shaira para sa isang Kapuso mall show.

Magiging bahagi rin ang Lolong sa Kadayawan Festival sa Davao sa weekend. Ang bestfriend naman ni Lolong na si Dakila, game na game rin sa pag-iikot sa buong bansa. Nagkaroon pa sila ng bonding ni Lolong nitong Lunes kung saan sumakay sila sa isang ultra light plane at lumipad sa ere. Saan kaya ang susunod na #DaksSpotted?

Mapapanood ang Lolong mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA at GTV.