WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Lovi, Janine ‘nilalangaw’ sa tomboyan

Ni: Alwin Ignacio

“Nilalangaw nga ba ang tomboyon serye nina Lovi Poe at Janine Gutierrez?” iyan ang tanong mula sa isang kaibigan tungkol sa “Sleep With Me”.

Siyempre, ang diva that you love, walang maisagot sa tanong kasi nga, hindi ko ito pinapanood. At hindi rin ako mausisa sa kung ano ang kakaiba at ispesyal sa dalawang babae na nagnanasa at nagmamahalan para sa isa’t-isa.

Walang duda na sasagpangin nina Poe at Gutierrez ang kanilang mga katauhan pero sa kung paano tatanggapin ng mga loyal Kapamilya, madali namang mag-one plus one equals two kung may organic na audience at clamor for it.

Wala ring konkretong datos at sapat na pananaliksik kung bakit palagiang hindi mainit ang pagtanggap at pagyakap sa lesbian themed movies at series na ipinalabas na. Sadyang mas gusto ng mga dabarkad, kapatid at madlang pipol ang kuwento ng lalaking umiibig, nagnanasa, at nakikipagtalik sa kapwa niya lalaki.

Kaya sa tanong kung ‘nilalangaw’ ba ang bagong proyekto nina Lovi at Janine, ang mga loyal Kapamilya viewer ang makakasagot rito. Sa takdang panahon, malalaman natin kung kasama ito sa mga kinahikabang lesbian projects o ito ang magpapabago ng kalakaran sa merkado.