WebClick Tracer

NEWS

Marcos palalakasin PH-US tandem

Nais ni Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. na pagtutulungan ng Pilipinas at United States sa iba’t ibang larangan tulad sa ekonomiya, enerhiya, agrikultura at problema sa ilegal na droga.

Inanunsiyo ito ng pangulo sa kanyang Facebook post matapos ang isinagawang pulong sa US Congressional delegation na pinamunuan ni Senador Edwar J. Markey na ginanap sa Malacañang nitong Huwebes.

“We look forward to continuing our partnership with the US in the areas of renewable energy use, agricultural development, economic reform, and mitigation of drug problem,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ibinahagi rin ng pangulo ang kanilang mga litrato kasama si Markey at ang US Congressional delegation sa kanyang official FB page. (Prince Golez)