WebClick Tracer

NEWS

Multa, kulong sa Cebuanong manlalait vs LGBT

May katapat nang kaparusahan ang diskriminasyon laban sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community sa Cebu City.

“I look forward to this because they deserved to be treated right,” pahayag ni Rama Cebu City Mayor Michael Rama pabor sa LGBT members.
Nilagdaan ng alkalde ang Ordinance No. 2660 na nagsasaad ng mga parusa sa mga taong magpapahiya sa publiko o magdudulot ng pisikal na pananakit dahil sa sexual orientation ng isang indibidwal.

Sa ilalim ng ordinansa ay may katapat ding parusa ang harassment at verbal o physical threats laban sa mga miyembro ng LGBT. Maging ang biro o pang-ookray ay di na uubra.

Mahaharap sa 3 hanggang 6 na buwang pagkakulong na may multang P3,000 hanggang P5,000,

ang mga nagkasala, depende sa mga paglabag o pagpapasya ng korte.