WebClick Tracer

SPORTS

Pagaura reresbak sa Penong

Bulilyaso sa teritoryo sa Bohol, maghihimagsik si Jonathan Pagaura para sa primerang pagtatapos sa maigsing ruta ng karera sa pamumuno niya sa astig na mga sasabak sa Penong’s 5150 Davao na lalarga sa Setyembre 4 sa Tagum City, Davao Del Norte.

Isinuko ng tubong Maribojoc ang pangkalahatang korona at ang titulo sa men’s 25-29 age group kay Satar Salem ng Davao Del Norte sa Sun Life 5150 Panglao, kanyang tahanan nitong Hulyo, pero nagpatigas para sa muling pagsubok sa isa pang glorya sa nalalapit na endurance race sa Olympic distance na 1.5k swim, 40k bike, 10k run.

Sumagupa rin ang pangunahing pambato ng Omega Triathlon Team sa katatapos na IRONMAN 70.3 Philippines Cebu, pero pumampitong puwesto lang sa kanyang age division at pang-17 sa pangkalahatang kompetisyon.

Pero ang paglahok doon ng dating duathlete ang mas nagpatibay at nagpahanda sa kanya para sa isang pang pagtatangka sa rurok ng tagumpay sa 5150 laban sa mga dayuhang kalahok sa The Wrec, Hijo Resort Davao.

Samantala, 10 mga banyaga na, kabilang ang tigdalawa mula sa France at United Kingdom ang maagang mga nagparehistro sa kaganapang babalangkasin ng The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc., sa eksplosibong pagbabalik ng karera na tinengga ng dalawang taong pandemya.

Kasagsagan pa ang palistahan hanggang sa linggo ng karera. Para sa mga detalye pa, mag-log sa penong’s.5150philippines.com o sa social media accounts: Penongs5150Davao na may Hashtags (Facebook, Instagram, Twitter): #Penongs5150 at #5150Davao.

Ang iba pang mga kakasa sa misyong makaabot sa antas ng IRONMAN sa event na mga pinapadrinuhan nina Penong’s Barbecue Seafood and Grill president Chad Regis, Jeremy Randell Go ng Powerball/ Go for Gold, Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib, Hijo Resorts Davao president Rosanna Tuazon at Tagum City Mayor Rey Uy, ang mga bet ng Australia, Singapore, Netherlands, Greece, France, USA at Qatar.

Isasagawa ang mga paligsahan sa individual, relay all male, relay all female at relay mixed, at sa Sunrise Sprint na may 750m swim, 20km bike, 5km run.

Suportado rin ito ng Lightwater, Finis, Rudy Project Sante (Barley), Manila Bulletin at Tempo, at idaraos na may minimum health protocols. (Ramil Cruz)