WebClick Tracer

SPORTS

Penong swim course inayos

Pinawi ng organizer ng Penong’s 5150 Davao ang mga agam-agam sa agos ng karagatan para sa swim course na nagpaareglado na sa 1.5 km-swim, 40 km-bike, 10 km run event sa Olympic-style layout sa Setyembre 4 sa Tagum City.

Orihinal na ilalarga ang opening swim leg sa triangular clockwise course ng Hijo Resorts Davao beach, na ngayo’y sa counter-clockwise route na simula sa Banana Beach sa Hijo Resorts pa rin, na may 270-meter stretch, kakaliwa ang mga kalahok sa 630-meter part ng course saka liliko pa-final turn sa last 600 meters. Lalabas sila ng boat ramp at papasok sa transition sa tennis courts.

“It was super low tide for the past couple of weeks in the original swim area, so we have to modify the swim course,” esplika Biyernes ni The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. general manger Princess Galura.

Dalawang ulit nang pinagpaliban sa nakaraang dalawang taon dahil sa pandemya, pumasok ang Penong’s 5150 sa 2019 triathlon calendar, pero nakuwestiyon ang kalidad ng tubig sa swim stage na pumuwersa sa organizer na kanselahin iyon, at nauwi sa duathlon (run-bike-run) ang event.

Sa pag-ayos na sa swim course, ratsada na ang pangalawang 5150 triathlon sa dalawang buwan makalipas ang matagumpay na Sun Life 5150 Bohol sa Panglao.

“We are just making sure that everything is okay and in conformity with international standards,” hirit pa ni Galura.

Ilalarga ang 40km bike race sa Hijo Resorts pa-main highway at Daang Maharlika sa Tagum City. Ito ay two-loop coursena matatapos sa Lanikai Hiro Estate Resort samantalang ang closing 10k run ay may 2-loop din na mag-uumpisa sa exit the transition area, pa-Timog sa Hijo Resorts property na tatawid ng tulay at ang finish line ay sa baseball field.

Kasagsagan pa ang palistahan hanggang sa linggo ng karera. Mag-log on para sa mga detalye pa sa penong’s.5150philippines.com o sundan ang social media accounts: Penongs5150Davao na may Hashtags (Facebook, Instagram, Twitter): #Penongs5150 at #5150Davao.

Mga suportado nina Chad Regis, pangulo ng nagtataguyod na Penong’s Barbecue Seafood and Grill, Jeremy Randell Go ng Powerball/Go for Gold, Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib, Hijo Resorts Davao president Rosanna Tuazon at Tagum City Mayor Rey Uy, nasa halos 500 na ang mga nagparehistrong kalahok na karamiha’y nangangarap maabot ang antas ng IRONMAN.

Makakalaban ng mga lokal para sa individual honor sa iba’t ibang age group divisions, kasama ang overall championship, ang mga bet ng France, United Kingdom, Australia, Singapore, Netherlands, Greece, France, Qatar at US.

Ang iba pang mga nakatayang titulo ay ang relay all male, relay all female at relay mixed categories.

Nakapaloob din sa event na mga aayudahan ng Lightwater, Finis, Rudy Project Sante (Barley), Manila Bulletin at Tempo, ang Sunrise Sprint na paglalaban sa 750m-swim, 20km-bike, 5km-run course. (Ramil Cruz)