WebClick Tracer

SPORTS

PH 5 abangers kay Jordan

Kung walang magiging aberya, tuloy ang lapag sa ‘Pinas ngayong hapon ni 2021 National Basketball Association Sixth Man of the Year Jordan Clarkson ng Utah Jazz upang samahan ang mga kakampi sa Gilas Pilipinas pool na sasabak sa fourth window sa buwang ito ng 19th International Basketball Federation World Cup 2023 Qualifiers.

“Huwag naman sanang magkaroon ng sagabal sa kanyang pagpunta rito sa atin,” pahayag Huwebes ni Samahang Basketball ng Pilipinas executive director at spokesman Renauld Barrios.

Sasamahan ni Clarkson ang kapuwa bagong dagdag sa pool na sina Kai Zachary Sotto na dumating na Huwebes ng gabi, at sina Philippine Basketball Association veterans Raymond Almazan, Allein Maliksi at Chris Newsome ng Meralco. (Lito Oredo)