WebClick Tracer

NEWS

Pulis dedo sa sariling armas

Patay ang isang pulis nang aksidente nitong makalabit ang nililinis niyang baril at tumama ito sa kanyang ulo kamakalawa sa San Jose, Northern Samar.

Sinubukan pang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ang biktimang nakilalang si Police Corporal Mar Dino Estellero, 35, nakatalaga sa Northern Samar Police Provincial Office, subalit idineklara na rin itong dead on arrival ng mga sumuring doktor.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon, naganap ang insidente kamakalawa ng umaga habang nililinis ng biktima ang kanyang 9mm service firearm nang aksidente umano itong dumulas sa kanyang kamay at makalabit ang gatilyo dahilan upang tamaan ito sa ulo.

Naisugod pa sa ospital si Estellero ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRMO) ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. (Edwin Balasa)