WebClick Tracer

NEWS

Rapist putol-ari sa ermat ng biktima

Naturuan ng leksyon ang isang rapist sa India matapos putulin ang kanyang ari ng ina ng kanyang biktima.

Ayon sa ulat ng The Sun, nabatid na ang suspek ay dyowa mismo ng nanay ng biktima.

Hiwalay na sa kanyang asawa ang babae kaya magkakasama sila sa iisang bubong ng kanyang 14-anyos na anak pati na ng suspek.

Kamakailan lang, pag-uwi sa kanyang trabaho ay nadatnan ng babae ang kanyang kinakasamang lalaki na ginagahasa ang dalagitang anak.

Dito na pinagdimlan ng isip ang ginang at hiniwa ang ari ng kanyang lover.

“Fortunately I returned home in the nick of time and caught him red-handed,” saad ng 39-anyos na babae.
“So I brought a knife from the kitchen and chopped off his private parts to teach him a lesson,” dagdag pa niya nang walang halong pagsisisi. “I have no regrets for what I did.”
Dahil sa sinapit ay kritikal ngayon ang suspek. (MJD)