WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Santiago’s Pride, 5 pa gitgitan

Makikilatis ang tikas ni Santiago’s Pride sa Condition Race (23) ngayong Biyernes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pakakawalan ito na seventh at last race kung saan limang kabayo ang makakatagisan ni Santiago’s Pride sa distansyang 1,000-meter. Rerendahan siya ni Lester De Jesus.

Ang ibang kasali sa kaganapang may basbas ng Philippine Racing Commission (Philracom) na pinamumunuan ni Chairman Aurelio De Leon ay sina Musikera, Oakhill Princess, Lion’s Gate, Sweetness at Konzeelanz.

Ayon sa mga karerista, mahirap na event ang last race dahil balanse ang lineup.

Sisimulang ilarga ng Philippine Racing Club Inc. ang pitong karera sa ganap na alas-5:30 ng hapon. (Elech Dawa)