WebClick Tracer

NEWS

Satellite internet sa Batangas palalakasin

Nagtetesting ng serbisyo ng satellite internet ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine Space Agency, at Department of Science and Technology-Advance Science and Technology Institute para sa dalawang rural bank sa liblib na mga bayan ng Batangas.

Ayon sa BSP, iOne Resources Inc. ang satellite internet service provider at nadeploy na ang satellite para magamit ng Progressive Bank of Malvar at ng Rural Bank of Cuenca.

Susubukan ang performance ng satellite internet service ‘pag naharap sa local weather conditions at kung maaasahan pa rin ito.

Sabi ni BSP Governor Felipe Medalla, naniniwala ang BSP sa kakayanan ng satellite technology para mapaganda ang koneksyon sa mga liblib na pook na sanaý magpalawak sa kakayanan ng mga bangko na magbigay na digital financial services at nang mas marami silang mapagsilbihan. (Eileen Mencias)