WebClick Tracer

NEWS

Sementeryo ng Muslim ikalat

Naghain ng panukala si House Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman upang magtayo ng pampublikong sementeryo ng Muslim sa bawat lungsod at bayan.

Sa House Bill 3755, sinabi ni Hataman na sa kanilang paniniwala ay kailangang mailibing ang pumanaw sa loon ng 24 oras.

“Grabeng hirap ang pinagdadaanan ng mga pamilya dahil dito, lalo na kung wala o malayo ang Muslim cemetery sa kanilang lugar. Kadalasan ay bumabiyahe pa nang malayo para lamang mailibing ang kanilang mahal sa buhay,” sabi ni Hataman.

Sa ilalim ng panukala, maglalaan ng lupa ang bawat siyudad at munisipyo na gagamitin para maging libingan ng mga Muslim. Ang laki nito ay nakadepende sa populasyon ng Muslim sa kani-kanilang lugar.
Nakasaad din sa panukala na kung mahirap ang namatay dapat ay libre ang palibing.
Mayroong 12.7 milyong Muslim Filipino sa bansa batay sa datos ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF). (Billy Begas)