WebClick Tracer

NEWS

Smuggled carrots pinalabas na tsokolate, nabuko

Timbog sa Bureau of Customs (BOC) ang mga puslit na carrots na dineklara bilang mga tsokolate matapos masabat ito sa Manila North Harbor Port.

Sa ulat ng BOC, nirekomenda ni North Harbor Port officer-in-charge Atty. Jesus Balmores ang eksaminasyon ng kargamento dahil sa natanggap na impormasyon tungkol sa pagdating ng kontrabando, mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Nadiskubre ang mga smuggled carrots sa isang operasyon noong Agosto 16 ng ilang ahensya ng gobyerno sa pantalan, na nasa ilalim ng Manila International Container Port (MICP).

Sinabi ng MICP na nagpapatuloy ang imbentaryo ng BPI upang matukoy ang kabuuang halaga ng kargamento na nagmula sa China. Hindi pa natukoy ang kung kanino nakapangalan ang kargamento.

Kukumpiskahin to dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, sa mga panuntunan ng BPI ukol sa pag-aangkat ng mga produktong halaman at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. (Mina Navarro)