WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Top Class Five makikilala na

NI: ROLDAN CASTRO

Isang linggo na lang at mapapanood na ang #TopClassTheFinale! Talaga namang sabik na sabik na ang mga trainee ilabas ang lahat ng kanilang angking gilas at husay sa pag-awit, pagsayaw, at pag-rap ngayong 12 na lang silang naglalaban-laban para sa pangarap na maging P-pop idol.

Matapos ang pasiklab na performance ng mga trainees ng iba’t ibang version ng “Tumitigil ang Mundo” by BGYO ay kinilala rin noong Sabado ng hapon, August 13 ang Top Class Wildcard Trainees na makakabalik sa kompetisyon. Pinili ng mga mentor na sina KZ, Shanti at Brian .Puspos na makabalik si Dean sa kompetisyon habang pinili naman ng kumunity na makablik si Niko.

Sa live segment ng episode kasama si Campus Jock Albie Casiño inanunsyo niya na magkakaroon ng collaboration performances ang mga trainee kasama ang mga P-pop group na VXON at 1st.one para sa grand finals. Magkakaroon din sila ng oportunidad gawan ng P-pop version ang mga kantang “Hataw Na” at “Sa Yahweh ang Sayaw” ng nag iisang “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano.

Kaabang-abang ang Top Class Finale ngayong Sabado, ika-20 ng Agosto, 2022, ika-5 ng hapon live sa PETA Theater Center sa Quezon City Eere ito sa Kumu at TV5. Mapapanood din ang Top Class sa labas ng Pilipinas via iWantTFC at Myx Global.

Abangan kung sino-sino sa Final 12 Top Class Trainee na sina Dean, Gilly, Jai, Jascel, JC, Jeff, Joshuel, Lex, Niko, Roj, RZ at Timothy ang tatanghaling Top Class Final 5 line -up.

Para hindi mahuli sa mga balita ng Top Class, sundan lamang ang Top Class sa Facebook, Instagram, at Twitter @topclassofficial, Top Class sa Youtube, at topclass naman sa Kumu. Para naman sa pagsubaybay sa huling linggo ng mga trainee, sundan lamang ang @topclassdaily sa Kumu.

Ang Top Class: Rise to P-Pop Stardom ay produkto ng pagsasanib-pwersa ng Kumu, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment.