WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

VIC, CJ, JERICHO totodo sa SMB

Walang ibang misyon si coach Leo Austria kundi sungkitin ang titulo ng Philippine Basketball Association Season 47 Philippine Cup.

“We know naman in a tournament, hindi kinikilala ang second-placer, eh,” anang eight-time champion coach pagkaraang senglutin ng San Miguel Beer ang Meralco sa Games 7 semifinals noong Miyerkoles 100-89.

Nasa Finals na muli ang Beermen, abot-kamay ang league-leading 28th championship overall. Kailangan na lang laktawan ang defending champion TNT sa best-of-seven showdown umpisa sa Agosto 21, Linggo, sa Smart Araneta Coliseum.

Pang-anim na titulo sa all-Pinoy ang hahabulin ni coach Leo.

“In the eliminations nag-struggle kami because of injuries but we were able to make it to the top of the eliminations, and then we beat Meralco in seven games (sa semis),” aniya. “But it’s not yet finished.”

Basag na ang dating Killer 5 ni Austria, wala na sina Alex Cabagnot at Arwind Santos. Naiwan sina June Mar Fajardo, Chris Ross at Marcio Lassiter.

Pero palaban ang mga bagong dating na sina CJ Perez, Vic Manuel, Jericho Cruz, Simon Enciso, Rodney Brondial, pati si Mo Tautuaa. (Vladi Eduarte)