WebClick Tracer

SPORTS

Castro, TNT aalagwa

Finals Game 2 ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

5:45 pm – TNT vs SMB

*Tropang Giga lead series 1-0

Mga assistant muna ni Chot Reyes ang magmamando sa TNT kontra San Miguel Beer sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals Game 2 sa Smart Araneta Coliseum ngayong Miyerkoles.

Nasa Beirut ang Tropang Giga coach kasama ng Gilas Pilipinas sa pagharap sa Lebanon sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa opener noong Linggo, nagdisenyo si Reyes ng play sa final .1.6 seconds at ibinaon ni Jayson Castro ang winner 86-84.

“For me as a coach, I really spend a lot of effort and I’m very intentional in developing my coaching staff so that in situations like this they can step in,” aniya.

Coaching by committee ang Tropang Giga, masusubukan ang mga ayudanteng sina Sandy Arespacochaga, Yuri Escueta, Bong Ravena, Ranidel De Ocampo, Mau Belen.

“Boss Jolas (team manager Jojo Lastimosa) will help as well because he’s there,” dagdag ni Reyes. “Let’s see how they take the cudgels.”

Nasa Iran si assistant coach Josh Reyes kasama naman ng national Under-18.

Pihadong kinalkal ni Beermen coach Leo Austria ang kanyang baul ng estratehiya para itabla ang best-of-seven.

Babalikwas sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Marcio Lassiter, Jericho Cruz at Vic Manuel ng SMB laban kina Castro, Mikey Williams, RR Pogoy, Troy Rosario at Poy Erram. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID