WebClick Tracer

NEWS

Risa, Alan sabong sa CA post

Nagkainitan sina Senadora Risa Hontiveros at Senador Alan Peter Cayetano kaugnay ng rules sa paghalal ng miyembro at opisyal ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kahapon.

Kinuwestyon ni Hontiveros ang pagluklok kay Cayetano bilang CA Minority Leader at ipinuntong miyembro ng independent bloc ang senador.

Tanging sina Hontiveros at Senador Aquilino Pimentel III lang ang miyembro ng minorya sa Senado.

“There has been a change of term here on the CA floor. But just for the record, the history is clear kasi sa kasaysayan naman po tayo nagbabatay ng mga usapin ng tradisyon,” sabi ni Hontiveros.

Pero giit ni Cayetano, hindi tama ang interpretation ni Hontiveros tungkol sa ‘change of nomenclature’ sa rules ng Senado.

“The nomenclature or the labeling is based on the Rules of the Senate. Based on the Rules of the Senate,” sabi ni Cayetano.

“If I’m not mistaken, in the House (of Representatives), it’s the same. If you vote for the Senate President, you are in the majority. If you do not, you are in the minority,” dagdag pa niya, at idiniin na magkaiba ang rules ng Senado at CA.

Sabi naman naman ni Hontiveros, nababahala siya sa paghalal kay Cayetano bilang CA Minority Leader, gayong miyembro ng independent bloc, kasama ang kanyang kapatid na si Senadora Pia Cayetano.

“It is important for bodies such as these to have clarity as to the positions of each member. This is important for lines of accountability and important to ensure that we have a genuine minority voice,” ani Hontiveros.

Pero sabi naman ni Cayetano, pareho lang aniya ang adbokasiya nila ni Hontiveros.

“I think both Senator Risa and I just found it an important thing to clarify and thank you for the time. Maybe when we are in the process of looking at the qualifications of the nominees of the President, you will also give the minority this leeway of having a little bit more time,” sambit ni Cayetano kay Senate President Juan Miguel Zubiri, na siyang chairman ng CA.

Ang mga senador na nahalal bilang miyembro ng CA ay sina Nancy Binay, JV Ejercito, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Christopher Go, Loren Legarda, Imee Marcos, Grace Poe, Francis Tolentino, at Cynthia Villar mula sa majority bloc at si Hontiveros na kinatawan naman ng minorya. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID