WebClick Tracer

NEWS

Mga opisyal ng National Press Club nanumpa kay PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng National Press Club (NPC) na ginanap sa Malacañang nitong Huwebes ng hapon.

“Binabati natin ang mga bagong halal na opisyal ng NPC na nanumpa ngayong araw sa palasyo,” pahayag ng pangulo sa kanyang Facebook post.

Sumaksi sa oath taking sa Malacanang sina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, PMS Secretary Zenaida Angping at NIA acting administrator Benny Antiporda.

Umaasa ang pangulo na maging partner ng gobyerno ang mga NPC sa pagsusulong ng kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa at palakasin pa ang propesyong ito upang magkaroon ng tamang impormasyon para sa mamamayan.

“Tayo’y umaasa na sila’y ating magiging katuwang sa pagtaguyod sa kapakanan ng mga mamahayag at pagpapaunlad sa propesyong inaasahan ng mga Pilipino para sa tamang impormasyon,” sabi ni Pangulong Marcos.

Samantala, kabilang sa mga opisyal ng NPC na pinanumpa ng pangulo ay ang mga sumusunod: Lydia Bueno (Remate), president; Kristina Maralit (Manila Times), vice president; Paul Gutierrez (People’s Journal), secretary; Mina Navarro (Abante), treasurer; at Leonel Abasola (PNA), auditor.

Nanumpa rin ang NPC board na binubuo nina Jeane Lacorte (Abante), Alvin Murcia (Daily Tribune), Aya Yupangco (DWIZ), Jean Fernando (Manila Bulletin), Nats Taboy (Remate), Madz Dominguez (Abante/Tonite), Jun Mendoza (Philippine Star), Benedict Abaygar (Manila Times), Bobby Ricohermoso (Saksi), at Joe Torres (UCA News). (Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on