WebClick Tracer

METRO

9 nawawala sa Lipa, Batangas

Siyam na katao sa Batangas ang nawawala pa mula noong 2021 batay sa inilabas na tala ng Lipa City police.

Ang mga nawawala na nakaalarma sa ibat-ibang police station ng lalawigan ay nagbuhat sa Lipa City, Batangas City, Tanauan City at bayan ng Sta Teresita na pawang nawala sa Lipa City at hanggang ngayon ay wala pang impormasyon sa kinaroroonan ng mga ito.

Pinakauna sa talaan ay ang magkasabay na nawala na si Bryan Arthur Cuenca , 41, taga-Barangay 10, Lipa City na nadiskubreng nawawala mula pa noong Mayo 30, 2021 kasama ni Limuel Pantua, ng Barangay Bolbok.

Magkasunod namang nawala sina Jerome Mark Balaye, 26, water refilling driver, single, ng Sta. Teresita, Batangas noong June 15, 2021, at Barangay kagawad na si Joel Guevarra, ng Brgy. Antipolo Del Sur, Lipa City na nawala naman noong June 16.

Buwan naman ng July ng magkasunod na nawala sina Roderick Villaluna, isang poultry boy at residente ng EDC Poultry Farm sa Brgy. Rizal, na nawala noong July 11.

July 14 naman ang construction worker na si Jymer John Paul Andal, 27, ng Sta. Teresita Batangas habang July 18 nang maglaho ang tricycle driver na si Hector Caraos.

Isa namang call center agent na babae na si Charito Galang, 29, ang nawala din noong Nov. 18, 2021.

Pinakahuli ang automotive technician na si Jun Jun Purio, 24, ng Brgy. Balagtas, Batangas City na nawala noong umaga ng December 3, 2021.

Patuloy na nanawagan ang Lipa City police na ipagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ang anumang impormasyon sa mga biktima. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on