WebClick Tracer

SPORTS

Donovan, Jazz atat maghiwalay

WALANG pormal na request si Donovan Mitchell sa Utah para magpa-trade, pero sakaling mangyari ay may listahan daw ng preferred destinations ang All-Star guard.

Ayon kay Tony Jones ng The Athletic, nasa short list daw ni Mitchell ang Miami, New York at Brooklyn.

Frontrunner ang Knicks, pero may nakakarating sa Utah na offers din daw mula sa ibang teams.

Naiintriga raw ang Jazz sa ibang offers maliban sa inihahatag ng New York.

Baka lang daw nagpapalutang ang Utah na may ibang interesadong teams para magkumahog ang New York at pumayag sa hinihinging kapalit ng Jazz.

Pero sa kanyang podcast, sinabi ni Brian Windhorst na mas nagmamadali ang Jazz.

Gusto raw nilang i-trade na si Mitchell bago magsimula ang training camp sa susunod na buwan. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on