WebClick Tracer

METRO

3 dinakma sa sabong ng gagamba

TIMBOG sa Bais City, Negros Oriental ang tatlong lalaking na sangkot umano sa spider fighting o sabong ng mga gagamba.

Sa report, Linggo nang mahuli ang mga suspek na pawang taga-Barangay San Isidro.

Binansagan silang “spidermen,” dahil sa kanilang bisyo at base sa ulat, madalas silang nasasangkot sa gulo sa kanilang lugar dahil sa mga spider fight.

Ayon kay Master Sgt. Oliver Mananquil, nakatanggap sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen kaya nagsagawa sila ng raid at nadakma ang tatlo na nahaharap sa kasong illegal gambling. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on