WebClick Tracer

SPORTS

Mitchell kursunada ng Lakers

Na-li-link ang Los Angeles Lakers sa Donovan Mitchell trade, ayon sa ulat ni NBA insider Marc Stein.

May dalawang future draft pick – sa 2027 at 2029 – ang Lakers na puwedeng katakaman ni Utah Jazz CEO Danny Ainge para matuloy ang trade.

Kapag nagkataon, magiging third team ang Lakers sa swap ng Utah at New York.

“Russell Westbrook’s $47M expiring contract and those picks could be the Lakers’ entree to a potential three-team swap … depending on the players that would land in Los Angeles,” ani Stein Lunes.

Naghahanap pa rin ang Lakers ng swap para mapakawalan si Westbrook na hindi tugma sa laro nina LeBron James at Anthony Davis.

Kahit hindi makuha si Mitchell, puwede makalambat ang Lakers ng veteran role players mula sa Jazz tulad nina Bojan Bogdanovic, Mike Conley, Rudy Gay o Malik Beasley. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on