WebClick Tracer

NEWS

PCSO ayaw magaya online lotto sa e-sabong

Masusing pinag-aaralan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga panukala na gawing online o digital ang tayaan ng mga lotto game nito.

Sa deliberasyon ng House committee on appropriations, humingi ng update si Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr. kay PCSO chairperson Junie Cua kaugnay ng mga panukala na gawing online ang tayaan ng lotto para tumaas ang kita ng ahensya.

Nakapila umano ang panukala na gumamit ng cellphone o computer sa pagtaya sa lotto.

“We are reviewing it very carefully we would like to make sure that when we implement this we do not commit the mistake of let’s say e-sabong na nagre-react ang buong community kasi wala ng ginawa yung mga bata kundi tumaya sa e-sabong,” sabi ni Cua.

Batay sa mga panukala posible umanong dumoble ang kita ng PCSO kung magiging online ang tayaan.

Samantala, nagpahayag naman si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ng pagtutol sa panukala.

“Let us not make gambling easily available to our youth by making it online. Even children who have mobile phones will be able to access it. Let us stay as is – let us keep the status quo,” sabi ni Rodriguez. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID