NI: Alwin Ignacio
Trending topic ang ABS-CBN sa pa-woke universe na Twitter. Ang dahilan, hindi dahil sa may bago na silang prangkisa, kundi dahil sa anunsyo na magaganap ang ABS-CBN Ball sa darating na Oktubre.
Ngayon pa lang, pangmalakasan na ang mga kuda at hanash mula sa mga loyal Kapamilya patungkol sa ball kung saan “the biggest and brightest stars of the country’s leading content provider” ang inaasahang dumalo, kumilos ayon sa kanilang ganda at kisig.
Sa Kapamilya major and minor female stars makakaasa na tayo sa kanilang haute couture creations from the country’s leading designers ang kanilang irarampa. Given na kung black tie affair ito, in their tuxedos or power suits ang mga homme.
Ngayon pa lang, ang mga faney, nagpapatutsadahan kung sino ang magiging hari at reyna sa ABS-CBN Ball. Dalawang love teams na talaga namang super popular sa kasalukuyan ang pinagtatapat, ang KDLex, sina KD Estrada at Alexa Ilacad at ang DonBelle, na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Ay! Panalong tapatan, sa true lang. Sa kisig, kaguwapuhan at tangkad, every inch eh talagang palaban sina Estrada at Pangilinan.
Sa paging petite, pretty at ganda, tiyak na mahirap mamili sa pagitan nina Ilacad at Mariano.
Kaloka dahil sa millennial love pairings na ito, agad-agad, biglang naging seasoned love team sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi matatawaran ang pagiging subok na matibay, subok na metatag na magkapareha, on and off the camera.
Ang mga after us sa KathNiel ay pawang buwag na, may Nancy McDonnel at Liza Soberano si James Reid.
Si Nadine Lustre ay may Christophe Bariou. Si Soberano, kung sila pa ni Enrique Gil, ewan ko na lang kung dadalo pa ito sa ball kaya more chances na mag-isa si Gil kung nagkataon.
Sa true lang, mas naging exciting ang love team landscape dahil sa KDLex at DonBelle dahil alam nating lahat na blossoming pa talaga ang kanilang tambalan. May malakas na fuerza ng kanilang mga tagahanga na hindi lang sa online ang presensya, sa true lang.
Kaya kina Kyle Daniel Estrada, Alexandra Ilacad, Donato Antonio Pangilinan at Belinda Mariano, good luck sa inyong apat . Sa tamang panahon, magkakaalaman kung sino talaga ang king at queen ng ABS-CBN Ball.
Sa true lang, kaabang-abang.