WebClick Tracer

SPORTS

Mitchell layas sa Utah Jazz

Mukhang naghahanda na si Donovan Mitchell sa kanyang final departure sa Utah.

Inalis Martes ng three-time National Basketball Association All-Star ang mentions ng Utah Jazz sa kanyang social media account – wala na ang ‘Utah Jazz guard’ sa kanyang Twitter bio.

Nawala rin ang references sa University of Louisville na kanyang pinag-aralan at pinaglaruan noong college.

Lilipat na ba si Mitchell?

Walang formal request ang 25-anyos, 6-1 ang taas na shooting guard na nagpapa-trade, pero mukhang siya ang isusunod matapos i-swap si Rudy Gobert at sibakin si coach Quin Snyder.

Hindi na sikretong inilalawit ng Jazz ang incoming six-year veteran sa trade. Putok din ang balita na New York Knicks ang pinakamasugid na naghahabol sa star guard.

Pero wala pang selyadong deal. Langit ang hinihinging kapalit ni Utah executive Danny Aingre.

Nababanggit din sa mga interesado ang Miami Heat at Los Angeles Lakers. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on