NI: ROLDAN CASTRO
Magsisimula na ang biggest reality game show of 2022 ‘Running Man Philippines’ begins this September 3 and 4 on GMA-7.
This milestone project is the first co-production of GMA Network and SBS (Seoul Broadcasting System), one of South Korea’s largest networks.
GMA Network’s Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable recalls their ‘most pleasant experience’ with SBS, “Winelcome talaga tayong mga Pilipino sa South Korea. They were so generous na mag-share ng knowledge sa production at creative, pati na rin ng kanilang napakagandang kultura at bansa.”
All set to showcase their skills and strengths in various races are the cast members led by Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Buboy Villar and Mikael Daez.
Mikael being ‘The Captain’ of the group shares his most memorable experience from the show, “Isa sa mga tumatak talaga sa akin is nung nagta-travel kami. ‘Yung bus na ginamit ng original cast, ‘yun din ang ginamit namin at doon kami nagbo-bonding in between tapings. We hope that through the episodes every weekend, matuwa rin kayo sa naranasan namin.”
Inamin din niya na may mga nananalo, natatalo, nasaktan at tampuhan sa mission pero yun ang nagbigay kulay sa show.Naintindohan naman nila na ‘yun ang magic ng Running Man.
Kinu-consider din ni Glaiza na dream-come-true sa kanya at sa buong team ang nasabing programa, “Parang kailan lang, hindi pa namin alam kung anong kahaharapin namin. Parati ko ring sinasabi na isa itong once-in-a-lifetime opportunity na never kong na-imagine na makakapagtrabaho ako sa Korea at makakapag-collaborate ang GMA at SBS.”
Tine-treasure din ni Ruru ang mga natutunan sa Korean production team, “Bukod sa nag-enjoy kami sa challenges, marami rin kaming natutunan after na makatrabaho ang SBS. Unforgettable experience talaga ‘yung buong trip. And of course, very exciting kasi alam naming maraming fans ang Running Man dito sa Pilipinas.”
‘Lucky seven’ naman ang tawag ni Kokoy sa kanila dahil napasama sila sa nasabing proyekto.
“Until now, surreal pa rin ang pakiramdam. Ang dami ko ring nakuhang lessons from my co-runners like kapag may nangyayaring hindi mo inaasahan, kailangan i-accept mo and go with the flow lang.”
Sinigurado rin ni Lexi na magugustuhan ng mga viewer ang samahan ng cast, “Nakatutuwa kasi first day pa lang ng taping, comfortable na kami agad sa isa’t isa. It wasn’t hard to work with each other, may chemistry na kami agad. It was a different and fantastic experience for all of us.”
Marami ring natutunan sa Running Man PH si Angel, “Ang dami kong na-discover sa sarili ko gaya ng pagiging competitive at mas nakita ko ‘yung importance ng teamwork. Malaking karangalan talaga na mapabilang dito at dadalhin ko ang opportunity na ito habang buhay.”
Todo rin ang pasasalamat ni Buboy sa GMA na maging bahagi ng Running Man PH . “Thank you sa GMA dahil pinagkatiwala sa akin ang ganito kalaking proyekto. Iba ‘yung pamilyang nabuo namin dito at ginawa namin ang best namin para mapasaya ang mga tao.”
Magsisimula ang Running Man PH sa September 3 at 4 sa GMA Weekend Primetime! .7:15 p.m. pag Sabado at Tuwing Linggo 7:50 p.m. sa GMA-7.