WebClick Tracer

METRO

NBI pasok sa inambus na abogada, anak

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa pananambang at tangkang pagpatay sa isang abogado kasama ang anak nito noong nakalipas na linggo sa Mandaue City.

Nabatid na si Atty. Karen Quiñanola-Gonzales at ang 19-anyos nitong anak na si Jeremy Keith ay tinambangan habang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay.

Tinamaan ng bala si Quiñanola-Gonzales sa leeg habang sa likod naman tinamaan ang kanyang anak na kapwa isinugod sa pagamutan.

Ayon kay NBI spokesperson Giselle Dumlao, hiniling umano ng pamilya ng abogado na magsagawa ng imbestigasyon ang NBI.

Ang NBI Cebu District Office ang nakatalagang magsagawa ng imbestigasyon sa kaso.

Kinondena naman ng Free Legal Assistance Group ang pananambang.

Nanawagan rin ang FLAG sa Kongreso na magpasa ng batas na magbibigay-proteksiyon sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at parusahan ang mga umaatake sa kanila. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on