LABINLIMANG fourth-year medical students mula sa iba’t ibang eskwelahan sa Davao City ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa City Health Office (CHO).
Ito ay kasunod na rin ng pagbabalik ng face-to-face classes noong nakaraang dalawang linggo.
Ang mga medical students ay pinabalik na sa face-to-face pero kailangang sumalang sa RT-PCR test bago makadalo sa klase.
“These are seemingly asymptomatic to mild cases so they are not required hospitalization. And most of them mag-undergo lang ng (will only need to undergo) seven days of isolation in their homes or quarantining, then after that, they can go back to class,” sinabi ni City Health Officer CHO head Dr. Ashley Lopez.
Sa likod ng pagkakatala ng nasabing bilang tuloy pa rin ang in-person classes. (KIKO CUETO)