WebClick Tracer

LIFESTYLE

Pokémon Scarlet, Pokémon Violet may mga bagong chapter

Masayang inanunsyo ng Pokémon company ang mga detalye ng mga bagong chapter ng tatlong tampok na kuwento sa Nintendo Switch software na Pokémon Scarlet at Pokémon Violet.

Sa “Your Own Story, Woven through Your Treasure Hunt”, ang paaralan kung saan ka naka-enroll ay nagho-host ng isang special independent study project na ang tema ay “A Treasure Hunt” — galugarin ang mundo at hanapin ang iyong sariling kayamanan.

Sa “Victory Road—Your Path to Champion Rank”, makukuha mo ang inaasam na Champion Rank kapag nakapunta sa walong Pokémon Gym sa iba’t ibang lugar sa Paldea region, natalo ang lahat ng Gym Leader at nakalagpas sa Champion Assessment sa Pokémon League headquarters.

Mayroon ding “Seek Out the Herba Mystica on the Path of Legends”, kung saan magpapatulong sa iyo si Arven na makuha ang bihirang sangkap na Herba Mystica na matatagpuan sa Paldea, ngunit bantay sarado ito ng malakas at higanteng Titan Pokémon.

Mayroon namang laro na maaari mong makaharap ang mga school’s troublemaker sa Starfall Street.

Samantala, ilan sa mga bagong Pokémon at karakter na maaari mong maka-engkuwentro sa Paldea region ay sina Klawf, Armarouge at Ceruledge.

Ang release date nito ay nakatakda sa November 18, 2022.