WebClick Tracer

METRO

Bangkay ng kelot bumulaga sa damuhan

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang bangkay ng isang lalaki na itinapon sa isang madamong bahagi sa Kawit, Cavite noong Huwebes ng hapon.

Inilarawan ang biktima na nasa 25-30 taong gulang, may taas na 5’9”, maputi ang balat, nakasuot ng puting t-shirt, asul na pantalon, at puting sapatos.

Sa naantalang report ni PMSgt Erwin Clerigo ng Kawit Police Station, dakong alas-4:20 ng hapon noong Huwebes nang nakatanggap sila ng tawag mula kay Kagawad Reynaldo Pamulaklakin ng Barangay Toclong tungkol sa isang bangkay na natagpuan sa madamong lugar sa Abaya Road.

Ayon kay Clerigo, maliban sa pasa sa tuhod, walang anumang sugat o palatandaan na pinahirapan ang biktima.

Hinala rin na posibleng doon lamang itinapon ang bangkay ng biktima upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya. Wala rin umanong nakakakilala sa kanya na mga residente malapit sa lugar.

Dagdag pa ni Clerigo na wala pang kamag-anak na kumukuha sa bangkay ng biktima na kasalukuyang nakalagak sa Ernest Funeral Services. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on