WebClick Tracer

NEWS

Digong, mga dating gabinete nag-reunion

Nagkaroon ng pagkakataon na mag-reunion ang dating pangulong Rodrigo Duterte at ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa Davao City.

Kabilang sa mga dumalo sa reunion ang mga dating cabinet member na sina executive secretary Salvador Medialdea, defense chief Delfin Lorenzana, local government secretary Eduardo Año, agriculture secretary William Dar, presidential communications secretary Martin Andanar, cabinet secretary Karlo Nograles, at BCDA chief Vince Dizon. Ilan sa kanila ay kasama ang asawa.

Sinamantala ni Duterte ang pagkakataon para magpasalamat muli sa kanyang mga dating opisyal ng gabinete sa kanilang serbisyo na aniya ay naging kaagapay niya upang matiyak na maging maayos ang operasyon ng administrasyon at walang magaganap na katiwalian.

“Basta ako nagpapasalamat sa inyong lahat. I would not make it, `yong paglabas ko without ‘corrupt government ko,’ wala eh. Smooth,” pahayag ni Duterte.

Inilabas ni Andanar ang video clip ng reunion sa kanyang Instagram.

Sa video, makikita si Duterte at mga dating opisyal ng kanyang administrasyon habang nagba-bonding sa pagkain at kantahan.

Hinarana naman nina Medialdea at Andanar ang dating pangulo at iba pang panauhin sa reunion. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on