WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Mister naaktuhan ni misis ka-`69’ ang kabit

Isang retiradong pulis at kanyang kalaguyo ang huli sa aktong nagtatalik sa isang motel sa Davao City ng kanyang asawa at anak sa ikinasang entrapment operation.

Sa pakikipagtulungan ng Sasa Police Station kung saan nagpa-blotter ang biktima, Miyerkules pa lamang ng umaga ay nagpa-blotter na umano ito dahil sa away tungkol sa boarding house ng kalaguyo.

Nang tiniktikan ng mag-ina ang suspek ay napadpad sila sa inn sabay report naman sa pulisya ng mag-ina.

Bandang alas-10:00 ng gabi nang pasukin ng mga pulis ang motel kung saan hubo’t hubad pang naka-`69’ ang retiradong pulis at kalaguyo nito.

Pansamantalang nakalaya ang kalaguyo na nahaharap sa adultery habang himas-rehas naman ang retiradong pulis na nahaharap sa kasong concubinage at paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women & their Children’s Act in relation to Emotional & Psychological Abuse.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on