NASAWI ang isang 65-anyos na lolo nang magulungan ng isang tractor head makaraang nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at tumilapon sa Kawit, Cavite Linggo ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang si Wilfredo Tolentino Alvarez, isang pintor.
Sa ulat ni Corporal Mark Anthony Dealca ng Kawit Police Station, alas-8:45 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa Advincula Roas sa Brgy Potol, Kawit Cavite.
Kapwa bumabagtas ang dalawang sasakyan patungo sa Southbound direction ng Lancaster nang pagsapit sa ginagawang ay nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklong Honda TMX si Alvarez .
Dahil sa pangyayari, tumilapon ang biktima likurang gulong ng Fuso tractor head na may plakang RLM 736 na minamaneho ni Jimmy Alviz Buan, 24 at nagulungan ang ulo nito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Gene Adsuara)