WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Daan pa-iskul pinadlak, lot owner kinasuhan

Nagsampa na ang Department of Education (DepEd) ng kasong three counts of grave coercion sa municipal trial court sa bayan ng Burauen laban sa mag-asawang Pergentino Pacala na nag-padlock ng daanan patungong paaralan kung saan umano nakatirik ang pag-aaring lote sa Leyte.

Ayon kay Jasmin Calzita, DepEd Eastern Visayas information officer, kinasuhan na nila si Pergentino Pacala at asawa nito na kapwa nagkandado ng gate na daanan papasok ng Maghubas Elementary School kung saan 150 estudyante ang hindi nakapasok.

“Let the law take charge of this. DepEd will not tolerate such doing and we are taking legal actions. What is important now is that no one has attempted to disrupt classes again this week,” ayon kay Calzita. (Vick Aquino)