WebClick Tracer

NEWS

P95M marijuana nasilat

Umaabot sa P95 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa magkakahiwalay na operasyon nitong Lunes.

Sa ulat kay PNP chief General Rodolfo Azurin Jr., winasak ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group at militar ang mga tanim ng marijuana na nagkakahalagang P32M sa apat na lugar sa Barangay Dilimbayan at Maguing, Lanao del Sur.

Sa Tinglayan, Kalinga province naman, binunot ng mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Autonomous Region (PROCOR), PDEG, at Special Action Force (SAF) ang kabuuang P57 milyon halaga ng marijuana sa barangay Ngibat, at sa magkahiwalay na plantasyon sa Barangay Bugnay. Habang sa Taytay, Rizal, narekober ng mga pulis ang 53 kilo na may halagang P6.3 milyon ng marijuana at dalawang baril mula sa dalawang naarestong high value targets na sina Marvic Curuelos and Wilfredo Perez. (Edwin Balasa)