WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Aktor sinaktan ang sariling ermat

Tiyak na pag- uusapan ang actor na ito matapos na saktan ang sariling ina.

Yes, feeling ng aming source ay mukha.na namang nagbalik sa paggamit ng droga ang guwapong aktor. Ito ang dahilan kung bakit nagawa niyang lapastanganin ang sariling ermat.

Kuwento ng aming source, maging siya raw ay nagulat sa ginawang pambabastos ng aktor sa kanyang ina. Ang nakakaloka ay sa harap mismo ng mga kaibigan nito.

Malungkot na ikinuwento pa rin ng aming source na madalas magtalo ang mag-ina dahil sa katigasan ng ulo ng aktor.
Pinagbabawalan kasi niya at pinangangaralan ito. Nagagalit ang aktor na humantong sa murahan at pisikalan.